Home > randomixed > paggising

paggising

.wake up. - on Flickr

.wake up. - on Flickr

Pingtothepangifthepongispung. peng??

So far, napipilit ko pa rin ang lampayatot kong katawan na gumising at eight something in the morning. Nag-gi-giyera sa loob ng utak ko, na kasing-gulo ng utak ni Spongebob pag nagkakagulo dun. (Magulo ba?)

May isang grupo na nagra-rally. “Tama Na!” “Sobra Na!” “Gising Na!”

Sa kabilang ibayo, napapalibutan ng mga sundalo, ay ang gobyerno ng utak ko. Magaling sila mang-deadma. Hustler. Hindi talaga pinapansin ang sigaw ng mga nagra-rally.

Pero hindi paawat ang mga raliyista. Gumawa ang ilan sa kanila ng dalawang circle formation. Umupo ng indian style. Nagsagawa ng ilang hand seals. Ayun, napamulat ang dalawa kong mata.

Magaling sila ah. Pagmulat ko, orasan ang una kong nakita.

Magaling… pero malas!

Blurred ang video na natatransmit. Nakalimutan ng mga raliyista, malabo mata ko. Ha. ha. ha!

So I dozed off again.

And back were the voices of the rallyists. (rallyists? is there such a word?)

“It’s eight o’clock! Wake Up!”

“Alas ocho na! Gising Na!”

But the government inside my brain wouldn’t listen.

“To see is to believe!” a government representative told the mass.

.

This commotion inside my brain, plus the sound of the real world getting louder and louder, made me decide to finally wake up.

Nainis na talaga ako. (lolol) Ang ingay na sa utak ko. Isang palatandaan na gising na ito. Gising na ako, ayoko lang tanggapin.

Pagmulat ng mga mata ko, sabay suot ng isa pang set ng mga mata, dun ko nakita: mag-e-eight thirty na pala. Kinalog ko utak ko. Ha ha! Pakiramdam ko natulala lahat ng nag-aaway dun kanina. “Back to work,” naisip siguro nila.

Success! Pasok pa rin sa alas ocho ang gising ko!

-end-

.

Habang sinusulat ko ‘to, naisip ko: napakawalang kwentang post naman neto. Ito na kaya ang pinakawalang kwentang post na mababasa ‘nyo dito sa blog na ‘to? o meron pang hihigit dito??

.

abangan... limitado ang kontrol ko sa kapalaran. :)

.

(lololol. pagtapos ko ‘to maisulat sa yellow paper, nung mag-a-add new post na ‘ko, akalain mong pindutin ko ang “Ctrl+V”?? wahahahaha… ewan sa’kin… )
http://emo.huhiho.com

  1. No comments yet.
  1. No trackbacks yet.